22.7 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

70th IB Troops nagsagawa ng Gift Giving Activity at Information Awareness Drive sa Bulacan

Nagsagawa ng gift giving at information awareness drive ang 70th Infantry “Matapat at Matatag” Battalion sa pangunguna ni Captain Romel L Jordan, Civil Military Officer sa Hiraya, Sitio Bukol, Brgy. Bayabas, Doña Remedios Trinidad, Bulacan nito lamang ika-1 ng Agosto 2022.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa tulong ng pamahalaang lokal ng Doña Remedios, Bulacan at iba pang organisasyon kung saan namahagi sila ng food packs, gamit pang-eskwela at bigas.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagsagawa ng lektyur tungkol sa mga tungkulin at pananagutan ng mga kasundaluhan.

Nagpaabot din ng pasasalamat ang hanay ng kasundaluhan sa pamahalaang lokal ng Doña Remedios, Bulacan dahil sa walang sawa nilang pagsuporta sa aktbidad at programang isinasagawa ng Philippine Army.

Pinuri naman ni Major General Andrew D Costelo, Commanding General ng 7th Infantry (Kaugnay) Division ang inisyatibong ginawa ng 70th Infantry Battalion dahil sa patuloy nilang pagtulong sa mga kababayang nasa laylayan ng lipunan.

Source: 7th Infantry (Kaugnay) Division

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles