Sumailalim sa Pre-Marriage Orientation and Counseling ang pitong magsing-irog na programa ng Lokal na Pamahalaan ng Tarlac City na ginanap sa Tarlac City, Tarlac nito lamang Miyerkules, ika-30 ng Agosto 2023.
Ito ay pinamunuan ni Mayor Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Tarlac City Population Commission Office.
Nagbigay kaalaman ang mga awtoridad patungkol sa tamang pangangasiwa ng masayang pamilya, maging responsableng magulang, mabuting asawa, budgeting, at family planning.
Layunin nito ang mabigyan ng kaalaman patungkol sa buhay mag-asawa at mapagtibay ang relasyon ng magsing-irog kasama ang kanilang magiging anak o pamilya tungo sa magandang kinabukasan.