18.6 C
Baguio City
Saturday, November 23, 2024
spot_img

690 na pamilyang apektado sa bakbakan, nakatanggap ng tulong mula sa DSWD

Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD FO2 ang 690 na pamilya o 2,765 na indibidwal na naapektuhan sa nangyaring bakbakan kamakailan sa pagitan ng rebeldeng pangkat at kasundaluhan sa Barangay Lapi noong ika-31 ng Mayo 2024.

Nagtungo sa lugar ang mga kawani ng ahensya sa pangunguna ni Regional Director Lucia Suyu-Alan upang personal na ipamahagi ang 5,000 financial assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) sa bawat apektadong pamilya.

Dumalo rin sa aktibidad sina Municipal Mayor Washington Taguinod, Vice Mayor Marilyn Taguinod, MSWDO Alicia Tamayao at ibang mga opisyal ng lokal na pamahalaan kung saan ang mga pamilyang nakatanggap ng tulong ay nagbigay ng taos pusong pasasalamat.

Umabot sa Php3,450,000 ang naipaabot na tulong pinasyal sa 645 pamilya mula sa Baranga Lapi at 45 pamilya naman ang mula sa Baranga Minanga.

Nauna na ring namahagi ang ahensya ng family food packs sa lugar upang matiyak na may sapat na suplay ng pagkain ang mga apektadong pamilya.

Samantala, inihayag ni RD Alan na patuloy na nagsusumikap ang ahensya upang maiparating ang kinakailangang tulong at serbisyo sa mga apektadong pamilya. Aniya, ito ay alinsunod sa direktiba ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na lahat ay mabibigyan ng tulong at walang maiiwan sa proseso ng pagbangon mula sa nangyaring sagupaan.

Source: DSWD R2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles