Nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development Region 02 (DSWD R02) ang 69 na miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa Bangag, Lal-lo, Cagayan noong Setyembre 6, 2024.
Ito ay sa ilalim ng Awarding of Financial Assistance to CAFGU Active Auxiliary (CAA) program na kung saan nakatanggap ng tig-Php10,000 ang bawat isang CAFGU mula sa probinsya ng Cagayan na nakabase sa ilalim ng 17th Infantry Battalion, Philippine Army.
Ayon kay 1Lt. Fernie Lua, CMO officer ng 17th Infantry Battalion, ito ang unang beses na makatatanggap ng tulong pinansyal ang mga CAA members mula sa DSWD R02.
Kaugnay dito, sinabi rin ni Lt. Lua na magsasagawa ang kanilang hanay ng monitoring sa mga benepisyaryo upang masiguro na magagamit sa wasto ang tulong na natanggap.
Layon nito na matulungan ang mga CAA members na nangangailangan ng karagdagang hanapbuhay upang mapabuti ang kanilang kalagayan.
Samantala, pinangunahan naman ni DSWD Regional Director Lucia Alan ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga CAFGU habang dinaluhan din ito ni BGen. Eugene Mata, Commander ng 502nd Infantry Brigade ng Philippine Army.
Source: Cagayan Provincial Information Office