25.9 C
Baguio City
Monday, May 12, 2025
spot_img

640 pamilyang nawalan ng tirahan, binigyan ng Certificate of Lot Award ng Pamahalaang Lungsod ng Angeles

Binigyan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazatin, Jr., ng certificate of lot award sa 640 pamilyang nawalan ng tirahan sa Sitio Balubad, Barangay Anunas, Angeles City nito lamang Biyernes, ika-9 ng Mayo 2025.

Ang mga benepisyaryo ay ililipat sa Magalang, Pampanga kung saan bawat pamilya ay makatatanggap ng 50-square-meter na lote sa ilalim ng socialized housing project ng lungsod.

“Patuloy po nating lilingapin ang kapakanan ng mga taga-Sitio Balubad na nangangailangan ng sariling bahay,” ani Mayor Lazatin.

Ayon kay Konsehal Atty. Arvin “Pogs” Suller, Officer-In-Charge ng Angeles City Human Settlements and Urban Development Office (ACHSUD), ang orihinal na sukat sana ng lote ay 45 square meters, ngunit ini-adjust ito sa 50 square meters bilang tugon sa hiling ng mga residente.

Matatandaang noong Marso 2024, pinalikas ang mga residente ng Sitio Balubad mula sa 73-ektaryang lupa na inaangkin at muling binawi ng Clarkhills Properties Corp., kasunod ng pagkansela ng Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) sa kanilang mga certificate of land ownership award (CLOA).

Bilang karagdagang tulong, nagbigay rin ang pamahalaang lungsod ng P5,000 cash assistance sa bawat isa sa 640 pamilyang naapektuhan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga maralitang taga-lungsod na nawalan ng tirahan.

Source: Angeles CIO

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles