Boluntaryong sumuko at binawi ng 64 KADAMAY members ang kanilang suporta sa komunistang grupo sa Barangay Cacarong Matanda, Pandi Bulacan nito lamang Linggo, ika-27 ng Agosto 2023.
Ang mga naturang indibidwal ay mga aktibong miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap na nag-ooperate sa probinsiya ng Bulacan.
Sila ay nanumpa sa harap ng mga awtoridad bilang patunay ng kanilang tapat na pagbabalik-loob at pagbawi ng kanilang suporta sa kanilang dating grupo.
Patuloy ang pagsisikap ng ating pamahalaan upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bansa.