18.8 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

62-Footer Fishing Vessel, ipinagkaloob ng BFAR R02 sa mga mangingisda sa Claveria, Cagayan

Nabiyayaan ng isang malaki at modernong bangkang pangisda ang organisasyon ng mga mangingisda sa bayan ng Claveria sa Cagayan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Regional Office 2 (BFAR R02) noong Nobyembre 27, 2023.

Ito ay ang 62-footer commercial vessel na nagkakahalaga ng 6.4 million pesos na tinanggap naman ng Claveria Farmers Multipurpose Cooperative.

Ayon kay Angel Encarnacion, BFAR-Region 2 Director, dahil sa mas malaki at modernong fishing vessel ay makakalayo na rin sa kanilang pangingisda ang mga taga-Claveria upang sa kanilang pagbabalik ay mas marami at malalaking isda na ang kanilang huli.

Samantala, bukod sa 62-footer vessel ay isinabay na rin ng BFAR ang pamamahagi ng walong fiberglass fishing boat na kinabibilangan ng apat na non-motorized flat-bottom, at apat ding motorized V-bottom boats para naman sa mga mangingisdang naapektuhan noon ng Bagyong Neneng sa lalawigan ng Cagayan.

Malaki naman ang pasasalamat ni Claveria Mayor Lucille Angelus Yapo sa mga biyayang ipinagkaloob ng ahensya sa kaniyang mga kababayang mangingisda.

Sa kanya namang panig, sinabi ni RD Encarnacion na natural na masagana sa yamang-dagat ang Claveria na dapat mapakinabangan ng mga lokal na mangingisda kung kaya’t ang modernong fishing boat at maliliit na fishing vessel ay makakatulong upang makuha ang nasabing fishery resources.

Ang tanging hiling niya sa mga benepisyaryo ay alagaan ang mga ipinagkaloob sa kanilang kagamitan upang matagal nila itong mapapakinabangan.

Ang nasabing tulong ay bahagi naman ng Capacitating Municipal Fisherfolk Program ng BFAR para sa maliliit na mangingisda sa bansa na makakatulong upang mapataas ang fish production sa Rehiyon Dos.

Source: BFAR-RO2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles