Inspirasyon ang hatid ng isang senior citizen na ginang mula sa probinsya ng Isabela na kabilang sa mga pumasa sa inilabas na 2023 Bar examination result mula sa Supreme Court website nito lamang Disyembre 05, 2023.
Kinilala ang ginang na si Rosula Calacala, 62, empleyado ng local government ng Jones, Isabela, nagtapos sa North Eastern College Santiago at merong tatlong anak na may kanya-kanya na ring trabaho.
Ayon kay Atty. Calacala, hindi naging madali ang kanyang tinahak, sa simula daw kasi ng panahon ng pandemya nang magkaroon siya ng COVID-19 ay dumalas ang kaniyang pagiging makakalimutin sa mga bagay at lugar na naglagay pa sa kanyang bingit ng kamatayan.
Dagdag pa ni Atty. Calacala, “It’s never too late, walang puwedeng magsabi sayo na hanggang diyan ka na lang kung may gusto ka pang ma-achieve, go for it”.
Labis naman ang kanyang pasasalamat, higit sa lahat sa Panginoon na gumabay sa kanya mula umpisa ng pagsusulit at ngayo’y isa na siyang ganap na abogada.
Samantala, umabot naman sa 3,812 ang nakapasa mula sa 10, 387 Bar examiners para sa 2023 Bar exam ayon sa Supreme Court na may katumbas na 36.77% passing rate na mas mababa kumpara noong nakaraang taon.
Source: Bombo Radyo Cauayan