14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

6,000 Family Food Packs, dumating sa lalawigan ng Batanes

Dumating ang isang barko ng Philippine Navy na lulan ang 6,000 Family Food Packs (FFPs) sa lalawigan ng Batanes noong Mayo 8, 2023.

Ang mga FFPs na ito ay mula sa DSWD na layong maging “prepositioned goods” bilang paghahanda sa panahon ng bagyo o iba pang sakuna.

Ang mga FFPs ay ipamamahagi sa mga pamilya na maaapektuhan ng sakuna.

Sa pangunguna ng SWAD Batanes at Provincial Government of Batanes, nagbayanihan ang iba’t ibang kawani ng Provincial Government of Batanes (PGB) at men in uniform sa pag-unload ng mga naturang FFPs at paghahakot ng mga ito patungo sa Provincial Logistics Hub.

Katulad ng mga nagdaang taon, nakasanayan na ng PGB at DSWD ang maagang paglalaan ng mga FFPs bilang bahagi ng kahandaan ng probinsya tuwing nakakaranas ito ng bagyo.

Ang gawaing ito ay ipinabusisi ng mabuti kung maayos pa ang kondisyon ng mga produkto/pagkain na nakapaloob sa bawat FFP.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles