19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

60 mangingisda sa Cagayan nakatanggap ng Gill net at Life vest mula sa BFAR

Nakatanggap ang 60 fisherfolks o mga mangingisda ng Camiguin Island ng kumpletong set ng gill net at life vest mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 nito lamang Sabado, Hunyo 4, 2022.

Ito ay bahagi ng aktibidad ng Fishery Technology Caravan ng BFAR 2 sa lalawigan ng Cagayan.

Pinangunahan ang programa ni Kagawad Angel Encarnacion, Regional Director ng BFAR Region 2 at dinaluhan ng grupo ng mga mangingisda mula Camiguin Island.

“Kahit weekend ay minabuti naming magpunta rito upang makita ang kalagayan ng ating mga fisherfolks dito. Magiging daan ito para mas malaman namin kung ano ang pangangailangan ng sektor ng pangisdaan dito sa isla sa pamamagitan ng aming pag-iikot mamaya at pakikipag-usap sa inyo,” ani RD Encarnacion sa kanyang mensahe.

Dagdag pa niya, marami pang programa ng pamahalaan para sa mga mangingisda at pipilitin nila itong iparating sa kanila.

Samantala, sinabi naman ni Kagawad Jennifer Tattao, Provincial Fishery Officer ng Cagayan na magkakaroon ng isang livelihood training para sa mga fisherfolks ng Babuyan Claro, isa sa mga isla ng Calayan Group of Island ng kanilang tanggapan. Layunin nitong mabigyan ng bagong kaalaman ang mga mangingisda na makatutulong sa kanila upang magkaroon sila ng karagdagang pagkakakitaan para sa kanilang pamilya.

Pasasalamat naman ang naging tugon ng mga mangingisda ng tatlong barangay na kinabibilangan ng Balatubat, Minabel at Naguillian sa mga bagong gamit na kanilang natanggap.

Source: PIA 2

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles