Matagumpay ang isinagawang deliberasyon, deklarasyon at pagbibigay ng mga sertipiko sa mga Drug-Cleared Barangay sa Hotel Carmelita, Tuguegarao City, Cagayan noong Agosto 5, 2022.
Ang aktibidad ay dinaluhan ng Philippine Drug Enforcement Unit na pinangunahan ni Dir III Joel Plaza, Regional Director, PDEA Regional Office 2, kasama sina Elpidio A Durwin, Assistant Regional Director ng DILG Region 2, Department of Health Region 2 at kinatawan ng PNP na si PMaj Babyrose P Cajulao.
Anim na barangay sa loob ng Cagayan ang nadagdag sa listahan ng mga idineklarang Drug-Cleared Barangay ng PDEA.
Ito ay ang Barangay Atulayan Sur, Capatan, Carig Norte at Linao East ng Tuguegarao City at Barangay Liwan Norte at Maddarulug Norte ng Enrile.
Samantala, ipinaabot naman ni PCol Renell R Sabaldica, Provincial Director, Cagayan Police Provincial Office ang kanyang papuri at pagbati sa Tuguegarao City PNP at Enrile PNP para sa naturang tagumpay na nagdudulot ng karangalan sa buong Cagayan PNP.
Isa lamang itong manipestasyon na nananatiling matatag ang ugnayan ng Cagayano Cops sa mga stakeholders at iba’t ibang ahensya ng gobyerno para sa pagsasakatuparan ng mahigpit na pagpapaigting ng kampanya laban sa ilegal na droga.
Source: Cagayan Police Provincial Office