Bangued, Abra – Boluntaryong isinuko ang anim na loose firearms sa mga kapulisan ng Abra noong Lunes, ika-7 ng Marso, taong kasalukuyan.
Ayon kay Provincial Director, Police Colonel Maly Cula, limang loose firearms ang boluntaryong isinuko sa Lagayan, Abra habang isang loose firearm naman ang isinuko sa San Isidro, Abra.
Natukoy ni Police Colonel Cula ang mga loose firearms na isinuko: isang 7.62-millimeter M14 rifle na may isang magazine, isang caliber 30 M1 Garand Rifle, isang caliber 45 Thompson sub machine gun na may isang magazine at limang live ammunitions, isang caliber 45 pistol na may isang magazine at dalawang live ammunitions, isang caliber 38 revolver na may apat na live ammunitions, at isang homemade shotgun guage 12 na walang serial number at bala.
Ang mga armas ay itinurn-over sa Abra Provincial Forensic Unit upang isailalim sa integrated ballistic identification system.
Ayon pa kay Police Colonel Cula, maituturing na ito ay bunga ng patuloy na kampanya ng kapulisan laban sa mga loose firearm at sa pagpapaigting sa COMELEC Resolution 10741 o ang election gun ban.
Hinihikayat din ni Police Colonel Cula ang iba pang mga nagmamay-ari ng mga loose firearm na boluntaryong isuko sa pinakamalapit na istasyon para makaiwas sa kasong illegal possession of firearms.
Source:
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=291234399794221&id=100067229887274