Tulad ng ipinangako ni Governor Rodito T. Albano III noong nakaraang taon, 574 tobacco farmers ng Ilagan City, Isabela ang nakatanggap mula sa tumaas na bahagi ng tobacco excise tax sa halagang Php25,000 bawat isa noong ika-22 ng Agosto 2022.
āNgayong taon na ito, Php25,000 pati bigas kada buwan ang ibibigay namin ni Vice Gov. Bojie sa inyo. Next year, baka Php30,000 na ang ibibigay namin sa inyo,ā saad niya.
Isiniwalat din ng Gobernador ang plano na mag-export ng mga produktong tabacco na high quality mula Isabela papuntang Tsina.
āKapag gagawa na tayo ng tobacco products to be exported in China, pipiliin natin yung magagandang tobacco. Mahal ang tobacco doon. Gagawin natin na ang probinsya ng Isabela ang magka-classify ng tobacco na bibilhin namin sa inyo. Kung magaganda yung classification niyan, itataas namin yung presyo ng tobacco ninyo,ā banggit niya.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Vice Governor Faustino āBojieā G. Dy III sa mga tobacco farmers sa kanilang kontribusyon sa economic development ng lalawigan.
āKami po ay nagpapasalamat sa ating tobacco farmers sapagkat marami tayong napapagawang projects dahil sa inyong kasipagan. Maraming naitutulong ang ating tobacco farmers para matulungan ang kapwa nating kababayan dito sa Isabela,ā saad niya.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ay naglaan ng Php14,350,000 mula sa probinsya bilang bahagi sa tobacco excise tax para sa 574 IlagueƱo farmers.