16.5 C
Baguio City
Sunday, November 17, 2024
spot_img

55 negasyonte, sumailalim sa pagsasanay sa Procurement Procedure at PhilGEPS Registration

Sumailalim sa pagsasanay ang 55 negosyante mula sa Munisipalidad ng Bacnotan sa La Union ukol sa Procurement Procedure at PhilGEPS Registration na ginanap sa People’s Hall, Municipal Building nito lamang ika-25 ng Hunyo 2024.

Isa sa mga dumalo si Isidoro Omo II, may-ari ng isang aircon supplier and services, aniya, “Maganda na umattend ako ngayon dito sa seminar [PhilGeps Training] na-clear ‘yung mga katanungan ko, kung ano yung mga dapat gawin at least na-guide nila ako rito.”

Ang PhilGEPS o Philippine Government Electronic Procurement System, ay isang serbisyong pang-komersyo na pag-aari at pinapatakbo ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM).

Tanging ang mga nakarehistro lamang sa PhilGEPS ang nabibigyan ng pagkakataon na makasali sa public bidding o maaaring pagkuhanan ng serbisyo, supply, equipment at iba pang Munisipalidad ng Bacnotan.

Nagsilbing Resource Speaker sa pagsasanay si Gng. Erica De Castro na siyang tumatayong Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson kasama sina BAC Head Secretariat Giovanni Rafael V. Partible, BAC Secretariat member Yvette De Vera at BAC Staff na si Reina Lishel C. Frankera na nagbigay ng mga diskusyon kaugnay sa PhilGeps registration.

Ang pagsasanay na ito ay nagbigay-daan para sa mga business owners na mas maunawaan ang proseso ng procurement ng lokal na pamahalaan na pwedeng magdulot ng mas magandang serbisyo para sa komunidad.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office (BPLO).

Samantala, nangangako naman ang mga namumuno sa Munisipalidad ng Bacnotan na patuloy silang maghahatid ng serbisyo sa kanilang nasasakupan nang sa gayon ay mas guminhawa ang pamumuhay ng mga ito.

Source: Bacnotan, La Union

Panulat ni: Sane Mind

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles