Naghandog ng 50,000 Tilapia fingerlings ang mga sangay ng pamahalaan sa Brgy. Lublub, Alfonso Castañeda, Nueva Ecija nitong Lunes, Hulyo 11, 2022.
Ang aktibidad ay isinagawa bilang parte ng selebrasyon ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Dinaluhan ang turn-over ni Mr. Timotheo Baysa mula sa Municipal Agriculture Office, mga miyembro ng Alfonso Castañeda Police Station, at 84th Infantry Battalion, Philippine Army.
Malugod na tinanggap at pasasalamat ng mga Fish Pond Owners at Fish Cage Operators sa nasabing bayan ang mga fingerlings na ayon sa kanila ay malaking tulong sa kanilang kabuhayan.