Tinatayang 500 na benipisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ginanap sa Brgy. Sto Cristo, Tarlac City, Tarlac nito lamang Huwebes, ika-16 ng Nobyembre 2023.
Nakiisa din si Hon. Cristy Angeles, Mayor ng Tarlac City katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamimigay ng naturang tulong.
Bawat indibidwal ay nakatanggap ng financial assistance mula sa Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan sa mga kwalipikadong lubos na nangangailangan ng tulong.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente sa ibinigay na tulong mula sa ating pamahalaan.