Nasa 50 na pamilya mula sa Quirino sa Isabela ang nagtapos mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at kinilala ng Lokal na Pamahalaan at ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad Panlipunan Rehiyon Dos (DSWD FO2) noong ika-10 ng Hulyo 2024.
Isa si Princess Ann Canceran-Bulan, dating benepisyaryo ng programa na ngayong isang lisensyadong guro, na nagtapos mula sa programa at nagpatotoo kung paano binago ng 4Ps ang kanilang buhay.
Para sa kanya, “Uray agtudo ti balitok nu sika’t sadot di kan tu pulos makapidot (Kahit may pangarap ka, kung hindi ka kikilos ay walang mangyayari), kung kaya’t bagama’t may 4Ps na katuwang sa pag-aaral ay patuloy siyang nagsikap upang makapagtapos.”
Nasaksihan ni DSWD FO2 Regional Director Lucia Alan, Municipal Mayor Edward Juan, miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Social Welfare and Development Officer Loui Bruno, at iba pang bisita mula sa iba’t ibang ahensya ang nasabing aktibidad.
Source: DSWD Region II