Nadakip ng tropa ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB2) ng Philippine National Police (PNP) ang limang (5) miyembro ng umanoāy New Peopleās Army (NPA) matapos ang engkwentro sa Barangay Niug Norte sa bayan ng Sto. NiƱo, Cagayan noong Agosto 31, 2023.
Kinilala ang mga ito na sina alyas āHappyā, alyas “Ka Mira”, Ramil, Alvin at Jayson.
Si Callueng ay isa umanong Periodic Status Report of Threat Group o PSRTG listed sa 1st quarter ng 2023, siya ay tubong Barangay Lipatan, Sto. NiƱo at kasapi ng Execom/West Front, (Remnant) ng Komiteng Probinsya o iKOMPROB Cagayan, KR-CV.
Napag-alaman rin na mayroong limang (5) Warrant of Arrest si Callueng sa kasong Attempted Murder; 3 counts ng illegal possession, manufacture, acquisition of firearms, ammunitions or explosives; at isang violation of the anti-terrorism act of 2020 o RA 11479.
Si alyas āMiraā ay tubong Peru sa bayan ng Lasam at naninilbihan naman bilang Medical Officer sa kanilang hanay.
Batay sa kalatas na inilabas ni PLtCol Virgilio Vi-Con M. Abellera Jr, Force Commander ng RMFB2, ang grupo ang may hawak sa kanlurang bahagi ng Cagayan partikular na sa Solana, Piat, Amulung West, Lasam at Sto. NiƱo kung saan sila nadakip.
Matatandaang tinatayang nasa 13 miyembro ng NPA ang nakasagupa ng tropa ng 202nd Manuever Company, RMFB2 habang nagpapatrolya sa nasabing barangay kung saan nagtagal ng hanggang sampung minuto ang palitan ng putok.
Nasugatan si Callueng at ngayon ay nasa pagamutan sa lungsod ng Tuguegarao matapos masugatan sa engkwentro. Wala namang naitalang sugatan sa hanay ng PNP.
Source: Cagayan Provincial Information Office