16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

5 Starbooks Project ipinamahagi ng DOST sa limang paaralan sa Ifugao

Namahagi ang Department of Science and Technology ng limang Science and Technology Academic-Research-Based Openly Operated KioskS o Starbooks Project sa limang paaralan ng munisipyo sa Poblacion, Kiangan, Ifugao noong Hunyo 10, 2022.

Kabilang sa mga paaralan na nabigyan ng cabinet at computer units sa pamamagitan ng Lokal na Pamahalaan ng Kiangan Starbooks Project ay ang Julongan Elementary School, Dalligan Elementary School, Nunkigadan Elementary School, Bokiawan Elementary School, at ang Kiangan National High School.

Ang Starbooks ay isang programa sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology na naglalayong magbigay ng tulong sa mga mag-aaral, sa paaralan at sa komunidad na nakabatay sa STI (Science, Technology, and Innovation).

Ito rin ay isang stand-alone na mapagkukunan ng impormasyon na idinisenyo upang maabot ang mga may limitado o walang access sa mga mapagkukunan ng impormasyon sa agham at teknolohiya.

Samantala, nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Ms. Rachel Guinid-Khayad, School Principal ng Kiangan National High School sa DOST sa pagdadala ng Starbooks sa komunidad para magamit ng mga mag-aaral sa kanilang mga akademikong klase at pananaliksik.

Gayundin si Ms. Leonor Dulnuan ng Julongan Elementary School na nagpaabot ng pasasalamat sa DOST at LGU ng Kiangan sa kanilang patuloy na pagsisikap sa pagdadala ng tulong sa mga paaralan at mga mag-aaral.

Sa kanyang mensahe, pinasalamatan din ni Mayor Raldis Andrei Bulayungan si Mr. Don S. Ogayon, Science Research Specialist II-ISTO, Director Nancy A. Bantog, CESO III, at lahat ng kawani ng DOST sa kanilang tulong teknikal at suporta sa Munisipyo ng Kiangan.

Ayon pa kay Hon. Raldis, ang Kiangan LGU ay nakapag-avail ng 1.3 Million na pondo para sa ilang proyekto sa ilalim ng Community Empowerment thru Science and Technology kasama na ang Starbooks project sa pamamagitang ng MOA kasama ang DOST.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles