Nakatanggap ng cash assistance ang limang former rebels sa isinagawang Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) Awarding Ceremony na ginanap sa Ben Palispis Hall Benguet Provincial Capitol, La Trinidad, Benguet nito lamang Setyembre 22, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Melchor Diclas ng Benguet kasama ang iba pang mga opisyal mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kung saan nakatanggap ang nasabing former rebels ng Php50,000 Livelihood Assistance at Php15,000 cash assistance bawat isa.
Ang cash assistance ay sa ilalim ng ECLIP na naglalayong bigyan ng mas maganda at maayos na panibagong buhay ang mga dating rebelde na nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ang pagsuko ng nasabing mga rebelde ay bunga ng patuloy na isinasagawang serye ng negosasyon ng Benguet PNP.
Samantala, nanawagan naman si Governor Diclas sa iba pang mga kasapi ng makakaliwang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan at makibahagi sa mga programang isinasagawa ng gobyerno upang higit na makamtan ang tunay na kapayapaan kasama ang kanilang mahal sa buhay.