Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – Aurora District Engineering Office, ang pagkompleto ng limang Multi-Purpose Building sa Casiguran, Aurora nito lamang ika-15 ng Agosto 2022.
Ang mga pasilidad ay itinayo sa Munisipyo ng Casiguran.
Apat rito ay tinurnover sa mga lokal na opisyal ng Barangay 8, Calantas, Dibacong at Tabas, habang ang isa naman ay makikita sa paaralan ng Bianoan Elementary School sa Brgy. Bianoan.
Ang nasabing proyekto ay nagkakahalaga ng Php26.95 milyong piso na pinondohan mula sa 2022 General Appropriations Act.
Ayon kay District Engineer Roderick Andal, ang mga covered court ay nakahanda para gamitin sa iba’t ibang programa, aktibidad sa barangay at pasilidad bilang isang evacuation center sa panahon ng kalamidad.
Source: DPWH-Region III