Nirespondehan ng mga tauhan ng BERT o Bontoc Emergency Response Team ang limang biktima ng food poisoning sa Sabangan, Mountain Province nito lamang Hulyo 28 taong kasalukuyan.
Katuwang ng BERT ang Mountain Province PNP sa pagtulong sa mga biktima na sakay ng gray na van.
Ang mga biktima ay hindi nagpakilala na nanggaling sa Nueva Vizcaya patungo sa kanilang tahanan sa Mountain Province sakay ng nasabing sasakyan.
Agad namang dinala ang mga biktima sa Bontoc General Hospital upang mabigyan ng kaukulang lunas at pangunahing gamot.