13.5 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

5 Bedroom Infection Isolation Rooms ng Dagupan City, pinasinayaan

Pinangunahan ni Dr. Joseph Roland O Mejia, Chief, Region 1 Medical Center (R1MC) ang pagpapasinaya sa limang Bedroom Infection Isolation Rooms ng Region 1 Medical Center sa Brgy. Arellano Street, Dagupan City nitong Martes, Mayo 17, 2022.

Ang naturang infection isolation rooms ay para sa mga pasyenteng may nakakahawang sakit na maaaring maipasa sa hangin gaya ng tuberculosis, flu, o di kaya tulad ng COVID-19.

Ito ay dinaluhan din at sinaksihan nina Department of Health (DOH) Undersecretary, Dr. Elmer Punzalan; DOH Regional Director, Dr Paula Paz Sydiongco; Mariano Marcos Memorial Hospital & Medical Center Chief, Dr. Maria Lourdes Otayza; Ilocos Training & Regional Medical Center Chief, Dr. Eduardo Badua, at DOH Consultant Dr. Francisco Valdez.

Sa pamamagitan ng isolation room maaaring e-confine ang mga pasyenteng may katulad na karamdaman sapagkat may negative pressure ito na nagsisilbing harang upang maiwasang makapanghawa lalo sa mga pasyenteng lubhang mahina na ang immune system.

Katulad ng iba pang imprastraktura, ito ay pinondohan ng World Bank upang mas higit na makatulong sa pasilidad ng mga ospital sa Rehiyon.

Source: Region 1 Medical Center

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles