Pinasinayaan ang limang Airborne Infection Isolation Rooms ng Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center (MMMHMC) sa Batac City, Ilocos Norte nitong Huwebes, Mayo 12, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Department of Health (DOH) Undersecretary, Dr Elmer Punzalan kasama sina DOH Regional Director, Dr Paula Paz Sydiongco; Vice Governor Cecilia Araneta Marcos; Senior Board Member, Dr Medeldorf Gaoat; at MMMHMC Medical Chief, Dr Maria Lourdes Otayza.
Ang “Airborne Infection Isolation Rooms” na tinatawag ding negative pressure isolation room ay lumilikha ng isang mahalagang harang sa pagitan ng mga taong may lubhang nakakahawang sakit at upang hindi mahawaan ang mga indibidwal lalo na para sa mga pasyenteng may mga sakit na naipapasa sa hangin tulad ng COVID-19.
Ang nasabing imprastraktura ay pinondohan ng World Bank upang mas higit na makatulong sa mga maysakit at sa mga ospital na maraming malulubhang pasyente.
Source: PIA Ilocos Norte/MMMHMC FB Page