Nagsagawa ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) ng 4Ps special assessment, Listahanan Data Sharing Orientation at Unconditional Cash Transfer (UCT) Validation sa Dinapigue, Isabela noong ika-15 ng Disyembre 2023.
Nagtungo sa mga kabahayan ang mga field staff kasama ang Municipal Link ng nasabing bayan upang isagawa ang 4Ps special assessment sa 20 4Ps beneficiaries na hindi nakasali sa Listahanan 3 Database.
Magtatagal ang 4Ps special assessment sa lugar hanggang ika-16 ng Disyembre 2023.
Samantala, nagkaroon din ng Listahanan Data Sharing Orientation sa dalawang kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Natalakay dito ang patungkol sa listahanan na kinabibilangan ng Project Cycle, Guidelines sa Data Sharing at Data Privacy Act of 2012.
Isinagawa rin ang UCT Validation sa naturang bayan para sa mga benepisyaryong hindi pa natanggap ang kanilang cash cards.
Source: DSWD Region 2