Lingayen, Pangasinan – Nagbahagi ng Food Assistance para sa mga Jail Facility sa Pangasinan ang Provincial Social Welfare and Development Office noong Agosto 26, 2022.
Pinangunahan ni Gng. Maan Tuazon-Guico, maybahay ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III ang pamamahagi ng 486 na sako ng bigas sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office na pinamumunuan ni PSWD Officer Annabel T. Roque para sa higit 2,049 na Persons Deprived of Liberty o PDLs.
Dumalo rin sa programa sina former Calasiao Mayor Mark Roy Macanlalay, San Nicolas former Mayor Rebecca Saldivar, Tayug Coun. Madilyn Cabotaje-Ramirez at Exec. Asst. IV Jose Maria Viray.
Saad ni Gov. Ramon Mon-Mon Guico III na “Walang maiiwan, lahat ay dapat matulungan”. Kaya nagkaroon ng Food Assistance at ibinahagi sa mga jail facility sa Pangasinan.
Kasama sa mga natulungang pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP ang San Carlos City Jail, Urdaneta District Jail Male at Female Dorm, Tayug District Jail, Balungao District Jail, Pangasinan Provincial Jail, Dagupan City Jail at Burgos District Jail.
Labis ang tuwa ng mga PDL na aminadong limitado sa pagkain lalo’t hindi nakakadalaw ang kanilang pamilya dahil na rin sa pandemya.
Lubos naman ang pasasalamat ng pamunuan ng BJMP kay Gov. Guico at Gng. Maan Tuazon-Guico dahil malaking tulong ang kanilang ipinaabot lalo’t limitado ang kanilang pondo.
Source: Province of Pangasinan