Nakatanggap ang 47 dating miyembro ng CPP-NPA-NDF ng pinansyal na tulong mula sa programa ng gobyerno na E-CLIP o ang Enhanced Comprehensive Local Integration Program nito lamang ika-5 ng Agosto 2022 sa Nueva Ecija Police Covered Court, Cabanatuan City.
Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office sa ilalim ng pangangasiwa ni Mr. Leonico A. Daniel, OIC PSWDO at dinaluhan ito ng Career Executive Service Officer na si Atty. Ofelio A Tactac Jr., Department of Interior and Local Government Provincial Director Karl Caesar R. Rimando, Brigadier General Joseph Norwin D. Pasamonte ng Philippine Army at Police Lieutenant Colonel Joseph R Sta. Cruz, Deputy Provincial Director for Operation ng Nueva Ecija Police Provincial Office.
Sa kabuuan, nakatanggap ang mga benipisyaryo ng Php2,505,000.
Ayon kay PLtCol Joseph R Sta. Cruz, DPDO-NEPPO, isa itong patunay na ang pamahalaan ay malugod na tinatanggap at kinakalinga ang mga dating teroristang nagbabalik-loob sa kanlungan ng gobyerno.
Hinihikayat ng Pambansang Pulisya at Kasundaluhan ang mga natitirang miyembro ng CPP-NPA-NDF na talikuran na ang maling ideolohiya upang maisalba ang kanilang kinabukasan at mamuhay ng tahimik, masaya at maayos sa piling ng pamilya.
Source: Nueva Ecija Police Provincial Office