Nakatanggap ang 4,695 na government employees ng Angeles City Local Government Unit (LGU) nang pamaskong handog sa Angeles City Hall nito lamang Huwebes, ika-7 ng Disyembre 2023.
Ang pamimigay ng naturang Pamaskong handog ay pinangunahan ni Honorable Carmelo Lazatin Jr., Mayor ng Angeles City.
Nakatanggap ng 10 kilo ng bigas at food package ang mga government employees ng Angeles City .
Nagbigay ngiti at labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa ibinigay na maagang pamasko.
Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga tapat na nagtatrabaho at ginagampanan ang kanilang tungkulin.