Apatnaput anim (46) na indibidwal na nakatira sa resettlement area ng Brgy. Libsong East at Aplaya West ang nagtapos sa isang araw na basic nail care training nito lamang ika-27 ng Oktubre 2023.
Ang mga trainee ay natukoy sa pamamagitan ng Provincial Employment Services Office (PESO) at Provincial Human Settlements & Urban Development Authority (PHSUDA) na pinamumunuan ni Engr. Alvin Bigay.
Ang mga trainee ay pinagkalooban ng livelihood starter kit at personal protective equipment (PPE). Nabigyan din sila ng TESDA Certificates of Completion.
Nagbigay naman ng mensahe ng pag-asa sina PESO Labor Employment Officer III Wilfreda A. Vicente at Administrative Officer V Josephine Bonifacio sa mga nagsipagtapos.
Ang naging tagapagsanay ay sina Jennelyn D. Pasiliao at Reylan Y. Cruz. mula sa Maxima Technical & Skills Training Institute, Inc.
Source: Province of Pangasinan