19.1 C
Baguio City
Thursday, April 24, 2025
spot_img

450 Partner-Beneficiaries mula sa Lalawigan ng Quirino, lumahok sa 3-Day Cash-For-Training

Nasa 450 partner-beneficiaries mula sa mga bayan ng Diffun at Cabarroguis sa lalawigan ng Quirino ang lumahok sa tatlong araw na cash-for-training (CFT) bilang unang yugto ng implementasyon ng Project LAWA at BINHI.

Ang nasabing pagsasanay ay kinabibilangan ng 250 benepisyaryo mula sa bayan ng Diffun at 200 mula sa Cabarroguis. Kabilang sa mga pangunahing tinalakay sa training ang Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation and Mitigation, at mga pangunahing programa ng DSWD. Tampok din sa aktibidad ang pagpapakilala ng Project LAWA at BINHI na nasa ilalim ng Risk Resiliency Program ng ahensya.

Bilang bahagi ng pagsasanay, isinagawa rin ang masusing validation process upang tiyakin na ang lahat ng benepisyaryo ay kwalipikado at sumusunod sa itinakdang pamantayan. Binigyan din ng technical assistance ang mga team leaders mula sa iba’t ibang project sites kaugnay sa tamang paraan ng photo at video documentation.

Naisakatuparan ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang lokal na tanggapan kabilang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), Municipal Agricultural Office (MAO), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Samantala, layunin ng aktibidad na ihanda ang mga kalahok upang matiyak ang maayos at epektibong pagpapatupad ng proyekto sa kanilang mga komunidad.

Source: DSWD Region II

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles