23.8 C
Baguio City
Friday, November 22, 2024
spot_img

45 Rebel returnees sa Cagayan, nakatanggap ng tulong pinansyal

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang 45 na mga dating rebelde sa Cagayan na sumuko sa gobyerno sa isinasagawang “Awarding of Assistance to Former Rebels” na ginanap sa Villa Blanca Hotel, Tuguegarao City, ngayong Miyerkules, Agosto 14, 2024.

Batay sa datos ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), 36 dito ang dating Militia ng Bayan na nakatanggap ng Php15,000 immediate assistance, habang siyam namang mga dating regular NPA ang nakatanggap ng Php15,000 immediate assistance, Php21,000 reintegration, at Php50,000 livelihood assistance mula sa Department of Interior and Local Government (DILG) Cagayan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Governor Manuel Mamba bilang Committee Chairman ng E-CLIP.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpili ng maayos at mabuting lider na handang makinig sa mga walang lakas at boses upang ipahayag ang kanilang mithiin.

Katuwang sa naturang aktibidad ang Department of Interior and Local Government (DILG) Cagayan, Task Force Balik-loob, Cagayan Police Provincial Office (CPPO), 95th Infantry Battalion, 17th Infantry Battalion, at 502nd Infantry Battalion, Philippine Army.

Ang tulong pinansyal na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ay mula sa pondo ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP), isang programa ng pamahalaan na may layuning tulungan ang mga dating miyembro ng mga rebeldeng grupo na nais magbalik-loob sa gobyerno at mamuhay nang mapayapa.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles