13 C
Baguio City
Tuesday, January 21, 2025
spot_img

44 na indibidwal binawi ang suporta sa NPA

Sa isang makabuluhang hakbang tungo sa kapayapaan at seguridad sa Rehiyon ng Cordillera, nagmarka ng mahalagang yugto sa patuloy na pagsisikap na labanan ang insurhensya ay matagumpay na isinagawa ang ceremonial mass surrender ng 44 na tagasuporta ng New People’s Army na idinaos sa Tokucan, Tinoc, Ifugao nito lamang ika-24 ng Setyembre 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Mobile Force Battalion 15 kasama ang Tinoc Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 14, at ang National Intelligence Coordinating Agency-Cordillera Administrative Region.

Naging makabuluhan ang seremonya sa presensya ni Hon. Solomon R. Chungalao, Congressman ng Ifugao, kasama si Police Brigadier General David K Peredo Jr, Regional Director ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region, at mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Office of the President Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity, Department of Social Welfare and Development, Department of Labor and Employment, Technical Education and Skills Development Authority, at Department of Interior and Local Government.

Tampok sa aktibidad ang panunumpa ng mga indibidwal ng katapatan sa pamahalaan bilang simbolo ng pinagtibay na pangako sa pamamagitan ng paglagda at hayagang tinuligsa ang mga aktibidad ng NPA nang sunugin ang mga bandila at banner ng mga ito.

Ang pagbawi ng suporta mula sa mga tagasuporta ng NPA ay naisakatuparan sa pamamagitan ng serye ng mga negosasyon na pinangunahan ng mga operatiba na may mahalagang suporta mula sa mga pamilya at kamag-anak ng mga sumukong indibidwal.

Patuloy pa rin ang panawagan ng pamahalaan na magbalik-loob ang mga iba pang kasamahan ng teroristang grupo upang makasama ang kanilang pamilya at mabuhay ng mapayapa.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles