16.5 C
Baguio City
Saturday, January 18, 2025
spot_img

40 rebelde Nagbalik-loob sa gobyerno sa Nueva Ecija

Nagbalik-loob sa gobyerno ang apatnapung miyembro ng teroristang grupo sa ilalim ng pamumuno ni alyas Dagohoy noong ika-21, 2022 sa Barangay La Purisma, Aliaga Nueva Ecija.

Ayun kay PCol Jess B Mendez, Acting Provincial Director, nagsagawa ng isang maikling seremonya ang First Provincial Mobile Force Company sa pangunguna ni PLTCol Robert D Agustin Force Commander, kasama ang Aliaga MPS at 84th IB PA, kung saan nanumpa at pumirma ang mga sumukong miyembro ng Commitment of Support sa ating gobyerno.

Ang PNP ay patuloy na magpapatuloy sa kanilang mga operasyon laban sa mga CTG sa bahaging ito ng bansa at lalo pang paiigtingin ang mga programa nito sa ilalim ng Executive Order No. 70 kasama ang ating Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC) at himukin pa ang mga makakaliwang indibidwal na bumalik na sa kanlungan ng batas.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles