Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga awtoridad sa Brgy. Upper Atok, Flora, Apayao bandang 11:00 ng umaga nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2023.
Kinilala ang mga sumuko na sina alyas “Bloddy/Rey/Ganny”, “Dia/Lian”, “Axe” at alyas “Lar/Bugoy/Ojit/Marvin”.
Ang mga sumukong NPA ay mula sa West Front Committee Komprob Cagayan, KRCV.
Napag-alaman na isinuko rin nila ang kanilang armas na tatlong riffles, dalawang Colt M16 A1 na may dalawang magazine at 43 live ammunitions, isang M16 na may isang magazine at 16 live ammunitions.
Patuloy ang panghikayat ng gobyerno sa natitira pang miyembro ng NPA na magbalik-loob at magsimulang muli kapiling ang kanilang sariling pamilya.