21.4 C
Baguio City
Wednesday, April 23, 2025
spot_img

4 indibidwal, sugatan sa Vehicular Accident sa Bontoc-Banaue Road

Sugatan ang apat na indibidwal sa isang vehicular accident sa kahabaan ng Bontoc-Banaue road, Oolin, Doddo, Talubin, Mountain Province bandang 4:40 PM nito lamang Abril 21, 2025.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang Emergency Operations Center (EOC) ng tawag na nag-ulat ng insidente dahilan upang agad na nagpadala ng mga responder sa pinangyarihan.

Inihayag sa inisyal na ulat, ang isang elf truck ay naglalakbay mula Nueva Vizcaya patungong Bontoc nang makaranas ng mechanical malfunction na dahilan upang mawalan ng kontrol ang driyber nang lumiko ang sasakyan sa kabilang lane at bumangga sa concrete barrier.

Agad namang binigyan ng paunang lunas ang drayber matapos ilabas sa sasakyan na nagtamo ng multiple injury at bali sa kanyang kaliwang tuhod habang ang tatlo pang pasahero, kabilang ang dalawang menor-de-edad at isang nasa hustong gulang, ay nagtamo ng contusions sa ulo.

Ang apat na indibidwal ay dinala sa Bontoc General Hospital para sa karagdagang medikal na atensyon.

Samantala, pinaalalahanan naman ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), na pinamumunuan ni Mayor Jerome “Chagsen” Tudlong, Jr., ang lahat ng motorista na obserbahan ang BLOWBAGETS—isang vehicle safety checklist na nangangahulugang Battery, Lights, Oil, Water, Brake, Air, Gas, Engine, Tire, and Self, upang maiwasan ang mga aksidente.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles