21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

4 Former Rebels nakatanggap ng Livelihood Assistance sa Cordillera

Binigyan ng mga tulong pangkabuhayan ang mga apat na dating rebelde na kamakailan ay nagbalik-loob sa pamahalaan sa naganap na turn-over ceremony sa Masigasig Grandstand, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet nito lamang Hulyo 12, 2022.

Pinangunahan ang aktibidad ni Nataniel V Lacambra, Regional Director ng Department of Labor and Employment Cordillera katuwang ang mga opisyal ng Police Regional Office Cordillera sa pamununo ni PBGen Ronald O Lee, Regional Director, PROCOR.

Ang apat na dating rebelde na nakatanggap sa nasabing tulong ay sina Nanay Doms, dating miyembro ng Militia ng Bayan; Yoji, dating platoon leader ng Galis of the Chadi Molintas Command ng KLG AMPIS; Joey, dating miyembro ng team Uno ng KLG Montes at Alex, dating miyembro ng Bandila, NPA sa Bario.

Mga panimulang gamit para sa milk tea shop ang naibigay kay Nanay Doms, feeds selling business para kay Joey, motor parts and accessories shop naman ay para kay Alex at basic tools and machinery for vulcanizing shop ang natanggap naman ni Yoji.

Ito ay magagamit nila bilang panimula para sa pang araw-araw na kabuhayan.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ng bagong buhay ang mga sumukong dating rebelde, makapamuhay ng maayos at payapa kapiling ang pamilya. Gayundin upang hikayatin ang mga aktibong miyembro at taga suporta ng mga komunistang grupo na magbalik-loob sa pamahalaan.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles