23.5 C
Baguio City
Friday, November 15, 2024
spot_img

3rd SONA ni PBBM, Kamusta Pilipinas?

Sa ikatlong taon na paglilingkod ni President “Bongbong” Marcos, kanya ring ihahayag ngayong araw, sa kanyang 3rd State of the Nation Address ang mga proyektong kanyang naabot sa ilalim ng kanyang administrasyon at sa mga adhikain na nakasaad sa kanyang “brand governance” na “Bagong Pilipinas”, mga naipatupad na batas, at mga hakbang ng gobyerno sa susunod na mga taon.

Dahil maraming isyu ang kinakaharap ng bansa, paano ba ito natutugunan ng kasalukuyang administrasyon? Isama mo pa rito ang paggamit ng social media na syang pangunahing medyum ng mga Pinoy sa mga balita. Ano ang epekto nito at paano namomonitor at nalalabanan ng gobyerno kung ang ilan sa mga ito ay fake news?

Ilan lamang ito sa mga mahirap tugunan ng gobyerno bagama’t mayroon silang paraan sa pagsagot, mas doble o triple naman ang pagkalat nito sa lipunan, kung kaya hindi natin maiiwasan na minsan manibugho sa kanilang pamamalakad.

Nariyan pa rin ang usaping korapsyon, kahirapan, insurhensiya, “peace and order”, “healthcare”, at ang pinag-uusapan ngayon na posibleng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina dahil sa umano’y agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea, mga nasa likod ng “POGO”, at ang pagbili ng pagkakakilanlan ng ilang Tsino upang maging Pilipino, at iba pa.

Kamusta Pilipinas? Ito’y sasagutin ngayon ng ating Presidente.

Ano nga ba ang resulta ng kaliwa’t kanang pagbisita nya sa bansa? Asan na tayo ngayon, Pilipinas?

Ngayon pa lang laman na ng TV, radyo, at social media ang mangyayaring SONA, lahat ay nag-aabang sa magiging talumpati ng Presidente, kaliwa’t kanan din ang preparasyon ng mga alagad ng batas upang ito’y matapos ng payapa at ligtas dahil katumbas ng kanilang preparasyon ay ang paghahanda rin ng mga protestante bago sumapit ang SONA na syang maaaring pagmulan ng gulo malapit sa pagdadausan nito.

Maraming espekulasyon at samo’t saring opinion ang magsisilabasan sa maaaring talumpati ni PBBM. Ngunit sana matapos ito ng may kaakibat na kasiguraduhan sa bawat mamamayan na maipatupad ang isang masagana, payapa, at nagkakaisang Pilipino patungo sa sinasabi nitong mamumuhay ang lahat sa isang “Bagong Pilipinas”.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles