Pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Baguio ang 3rd Mural Painting na ginanap sa Climate Action Wall sa Legarda Road, Baguio City nito lamang ika-25 ng Agosto 2023.
Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong kasama sina Councilor Leandro Yangot, City Administrator Bonifacio Dela Peña, mga opisyal CREBA Baguio-Benguet, mural artists at stakeholders.
Ang nasabing aktibidad ay naging matagumpay sa pakikipagtulungan ng CREBA Baguio–Benguet Chapter, SIN–AGI Group of Artists, Baguio Educators Arts Guild at Davies Paints.
Sa mensahe ni Yangot ay kanyang ibinahagi na ang aktibidad ay nakatuon sa nagkakaisang pagsisikap ng mga mamamayan ng Lungsod ng Baguio na pagandahin ang kanilang lungsod, protektahan ang kapaligiran at makilahok sa kampanya sa green space advocacy.
Samantala, sa naturang aktibidad ay binigyan din ng certificates of recognition ang mga mural artist sa pagpapakita ng kanilang angking galing at talento.