Pinagkalooban ng pinansyal na tulong ang 39 na Overseas Filipino Workers (OFWs) sa ilalim ng Welfare Assistance Program (WAP) at Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program (BPBH) sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Office nito lamang Setyembre 6, 2023.
Iginawad ni OWWA Provincial Officer Karen Borreta kasama ang kanyang staff ang pinansyal na tulong na nagkakahalaga ng Php10,000-25,000 sa mga napiling benepisyaryo.
Ang programang ito ay naglalayong makapagbigay ng tulong sa mga OFWs na aktibo at di na aktibong miyembro ng OWWA na nakaranas ng pisikal, sekswal, sikolohikal na pang-aabuso at biglaang pagkakatanggal sa trabaho at pagpapauwi.
Magpapatuloy naman ang Welfare Assistance Program (WAP) at Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program (BPBH) sa pagtulong sa mga karapat-dapat na OFWs upang makatulong sa mga kababayan natin na biktima ng pang-aabuso.