14.4 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

37th BALIKATAN Exercises 2022 sinimulan; 4 School Buildings itatayo

Sinimulan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at US ang ika-37th Balikatan Exercises 2022 sa pamamagitan ng sabay-sabay na ground-breaking ceremony ng apat na gusaling paaralan sa magkakaibang lugar sa Cagayan at Isabela sa ilalim ng Engineering Civic Action Program (ENCAP) noong Marso 7, 2022.

Ang apat na gusali ng paaralan ay itatayo sa Taggat Sur Elementary School at Pinas Elementary School, pawang sa Claveria, Cagayan; Masi Elementary School sa Rizal, Cagayan; at San Francisco Elementary School sa Alicia, Isabela.

Bawat gusali ay may budget na $100,000 mula sa gobyerno ng US na may katumbas na mahigit Php5,000,000 sa Pilipinas. May sukat na 1,260 sqm ang bawat gusali at inaasahan na ito ay matatapos sa loob ng apatnapung araw.

Ayon kay Lt Austin Koch, USAF, US Site OIC sa Masi Rizal, ang ENCAP ay magsisilbing kasangkapan sa pagtuturo para sa sandatahang lakas ng US at Pilipinas hinggil sa kung paano ginagawa ng dalawang partido ang kanilang pagtatayo ng mga imprastraktura.

Bukod dito, pinuri at pinasalamatan ni Dr. Erna Angeles, DepEd District Supervisor sa Rizal, Cagayan, ang ENCAP dahil napili ang Masi Elementary School bilang isa sa benepisyaryo ng proyekto.

Ayon kay MGen Laurence E Mina, Commander ng 5th Infantry Division, ang pagsasagawa ng BALIKATAN exercises ng US at ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ay nagpapakita ng kasiguraduhan ng kapayapaan, katatagan, at pagtutulungan.

Ang “US-PH Balikatan Exercises” ay isinasagawa alinsunod sa Mutual Defense Treaty at diplomatic relation sa pagitan ng Pilipinas at Amerika na siyang nagbibigkis sa magandang pagkakaibigan, ugnayan at relasyon ng dalawang bansa.

Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng mga residente ng Cagayan at Isabela sa programang handog para sa mga estudyante ng nasabing paaralan. Giniit din ng mga lokal na opisyal ng nasabing probinsya na ang mga paaralang ito ay malaki ang maitutulong sa sistemang edukasyon tulad na lamang ng paglaki ng populasyon, at sa tamang edukasyon sa mga bata naayon sa “nationalism at patriotism” bilang Pilipino at hindi sa komunistang pamamaraan na sinusulong ng CPP-NPA-NDF.

####

Related Articles

1 COMMENT

Comments are closed.

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles