21.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

Matagumpay na nailunsad ng Department of Science and Technology (DOST) ang 3-day Regional Science and Technology Week (RSTW) 2022 na nagsimula noong Nobyembre 9 at magtatapos ngayong Nobyembre 11, 2022 na may temang “Agham at Teknolohiya: Kabalikat sa Maunlad at Matatag na Kinabukasan” na ginanap sa Pangasinan Training and Development Center (PDTC), Capitol Compound, Lingayen, Pangasinan.

Ang nasabing exhibit ay pinangunahan ni Dr. Armando Q. Ganal, Regional Director, DOST at lubos siyang nagpapasalamat sa Provincial Government ng Pangasinan sa pamumuno ni Gov. Ramon “Mon-Mon” Guico sa kanyang suporta.

Isinagawa ang Technology Exhibits sa PTDC2 kung saan tinatayang nasa 19 exhibitors ang nakilahok mula sa rehiyon kabilang ang mga DOST attached agencies upang maipresenta ang latest technologies on Research and Development at ang Filipino Investors Society para maibahagi ang kanilang mga likha sa ating mga kababayan.

Kasama sa mga dumalo ang iba pang mga opisyales ng DOST provincial at head offices, Lingayen Mayor, Hon Leopoldo Bataoil, mga opisyales ng Pangasinan State University (PSU) at iba pang institusyon, Technology exhibitors Filipino Investor Society Cooperative, media personalities at mga estudyante sa iba’t ibang paaralan.

Ang mga natatanging gawa ng mga Pilipinong may angking husay sa agham at teknolohiya ay unti-unting nakikilala sa buong mundo dahil sa aktibong suporta ng ating mga namumuno sa gobyerno.

Source: PIA Pangasinan

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles