18.7 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

36th Cordillera Month Kick-Off Ceremony isinagawa sa Baguio City

Nagsimula na ang isang buwan na selebrasyon ng 36th Cordillera Month matapos ang isinagawang Kick-Off Ceremony na ginanap sa Cardinals Gym, University of Baguio, General Luna Road, Baguio City nito lamang Hulyo 1, 2023.

Dumalo sa aktibidad sina Mayor Benjamin Magalong ng Baguio City; Governor Elias Bulut Jr. ng Apayao; Atty. Atanacio Addog, Director ng National Commission on Indigenous People Cordillera Administrative Region (NCIP-CAR); Dr. Donnavila Marie Panday ng University of Baguio; kinatawan mula sa Department of the Interior and Local Government Cordillera (DILG-CAR); at iba pang partner agencies at Civil Society Organizations (CSOs) mula sa iba’t ibang lalawigan ng Cordillera.

Tampok sa selebrasyon ang pagsasagawa ng traditional rituals, paghampas sa original unity gong, Cordilleran community dance at Pre-Pageant for the Search for Mr. and Ms. Cordillera Autonomy Youth Ambassadors 2023 at Cordillera Weaves Fashion Show featuring Textile Products ng DOST na ginanap naman sa Atrium, SM City Baguio, Upper Session Road, Baguio City.

Ang naturang pagdiriwang ngayong taon ay may temang: “Celebrating One Resilient, Diverse, and Inclusive (CORDI) Journey Toward Regional Autonomy”.

Ang Cordillera Administrative Region ay nilikha sa pamamagitan ng Executive Order No. 220 na nilagdaan ng noong Hulyo 15, 1987 ni Pangulong Corazon Aquino kung saan ang mga lalawigan ng Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province at Baguio City ay pinag-isa sa isang rehiyon.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles