Grumadweyt na ang 354 pamilya na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 sa Modified Conditional Cash Transfer Program (MCCT) mula sa bayan ng Cabarroguis, Quirino noong ika-15 ng Agosto 2022.
Ang mga benipisyaryo ay mga miyembro ng grupo ng Indigenous People mula sa Munisipalidad ng Cabarroguis na napili upang maging bahagi ng Modified Conditional Cash Transfer Program (MCCT) matapos ang isang espesyal na validation na isinagawa sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas.
Bukod sa mga sertipiko na kanilang natanggap, binigyan din ang mga ito ng tig Php10,000 mula sa provincial government bilang agarang tulong sa kanilang pagsisimulang mamuhay sa labas ng 4Ps.
Kabilang sa mga opisyal na dumalo ay ang mga miyembro ng 4Ps Provincial at Municipal Advisory Councils ng Quirino, Provincial Administrator, anim na Municipal Mayors, Cabarroguis Sangguniang Bayan members at barangay officials.
Siniguro ng Provincial Government, Cabarroguis Municipal Government, DSWD, TESDA at iba pang ahensya ang kanilang patuloy na paggabay sa mga 4Ps graduate.
Source: DSWD Region 2