Nasa 350 partner-benificiaries mula sa bayan ng Maddela, Quirino ang lumahok sa sustainability Cash-For-Training bilang ikatlong yugto sa ilalim ng Project LAWA at BINHI.
Ang aktibidad ay isinagawa sa tulong ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Maddela.
Sa dalawang araw na pagsasanay, tinalakay ang kahalagahan ng pagsusuri at evaluation ng proyekto upang matukoy ang dapat pang pagbutihin. Binigyang-diin din ang maayos na pagpaplano para sa sustainability ng proyekto sa mahabang panahon.


Bilang tugon, nagtatag ang mga benepisyaryo ng pitong (7) samahan na boluntaryong magbabantay at magpapatuloy sa proyekto sa kanilang lugar. Inaasahan na malaking tulong ang mga grupong ito sa tagumpay ng programa.
Samantala patuloy ang ganitong uri ng aktibidad upang mas maging maayos at mas epektibo ang pagpapatupad ng proyekto sa ating komunidad.
Source: DSWD R2