Ipinagdiwang ng mga personahe ng Barangay Reading Centers (BRC) at Daycare Workers ang 33rd Library and Information Services (LIS) sa Alaminos City, Pangasinan nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2023.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni CGDH-1 Vergie E. Aquino ng City Library Office na may temang, “LETS LIBRARIES: Learning, Empowering and Transforming Society Through Libraries”.
Nagbigay mensahe ng pagsuporta sina City Mayor Arth Bryan C. Celeste sa pamamagitan ni CGADH-I OIC-City Information Officer Venus N. Balgua at City Vice Mayor Jan Marionne R. Fontelera na nirepresenta ni Executive Assistant Stephanie Bautista gayundin si DILG-CLGOO Victoria Jean Dawis.
Layunin ng aktibidad na matuto at paghusayan pa ng mga BRC in-charge at Daycare workers ang pagsasanay sa storytelling sa tulong ng kanilang resource speaker na si Abdulbasit A. Hadji Abdullah.
Samantala, binigyang pagkilala naman ang mga Top Performing BRC 2023 at ang unang gantimpala ay mula sa Brgy. Poblacion, Brgy. Palamis bilang pangalawa at Brgy. Pangapisan bilang pangatlong gantimpala.
Source: Alaminos LGU
Panulat ni Manlalakbay