16.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

33 Barangay at 1 Munisipalidad  sa Rehiyon Dos idineklarang drug free at drug cleared  ng ROCBDC

Idineklarang drug free at drug cleared ang 33 barangays at isang munisipalidad ng Rehiyon Dos sa matagumpay na pagpupulong ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) para sa ika-23rd Deliberation, Declaration and Awarding of Drug-Cleared Barangays na ginanap sa  Solomon’s Hotel and Resort, Magapit, Lal-lo, Cagayan noong Hunyo 28, 2022.

Sa pagpupulong ay idineklarang ang 33 barangays at isang munisipalidad na drug free at drug cleared matapos sumunod at nakapagpasa sa lahat ng dokumentaryo na kinakailangan ayon sa itinakdang  parameter ng Barangay Drug Clearing Program.

Ang pagpulong ay dinaluhan nina Director II Christy E Silvan, Assistant Regional Director, PDEA RO II bilang kinatawan ni  Regional Director Joel B Plaza; Binibining Jasmin Aresta mula Department of Interior and Local Government; Binibining Paulene Mae Q Garcia ng Department of Health at Police Major Baby Rose Cajulao ng Police Regional Office 2.

Sa deliberasyon na isinagawa ng ROCBDC, may kabuuang 19 na kinatawan ng LGU, bawat isa ay kumakatawan sa 19 na munisipalidad mula sa tatlong Lalawigan ng Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Ang Rehiyon 2 ay mayroon na lamang 119 na Drug-Affected Barangays (DABs) na natitira para sa drug clearing.

Source: PDEA RO II Fb Page; Nueva Vizcaya PPo FB Page

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles