23.1 C
Baguio City
Sunday, November 24, 2024
spot_img

31 Tour Guides sa bayan ng Tuao, masayang nagtapos sa kanilang pagsasanay

Masayang nagtapos sa tatlong araw na pagsasanay sa tour guiding ang 31 na local guides sa bayan ng Tuao Cagayan na pinangunahan ng Cagayan Provincial Tourism Office (PTO) at Local Government Unit ng Tuao noong ika-17 ng Mayo 2023.

Naging bahagi ang “Tourism Awareness and Appreciation” bilang isang pangunahing paksa, ngunit sumentro ang pagsasanay sa basic tour guiding kung saan naipamalas ng mga local guide ang kanilang husay sa tour guiding.

Ayon kay Jenifer Junio-Baquiran, Officer-In-Charge ng Cagayan PTO, bahagi ito bilang paghahanda sa mga tourism stakeholder sa Cagayan, lalo pa at tuloy-tuloy ang mga development sa iba’t ibang LGUs, maging sa lalawigan sa larangan ng turismo.

Pagkatapos ng lectures ay nagkaroon naman ng mock guiding assessment ang mga kalahok. Ang mga site na kasama sa mock tour ay ang itinerary na nasa ilalim ng Bastion of Faith Southwestern Cagayan Tourism Circuit.

Ito ay ang Mamba Ancestral House, Cassily Lake Resort, Sinabalu and Sukalati, Holy Guardian Angel Parish Church, Tuao Viewdeck, CPM Integrated Farm, at I.T. Pascua Farm.

Ayon sa PTO, ito na ang pangatlong Tour Guiding seminar na kanilang isinagawa nang magsimula ang taon.

Kamakailan ay mga community guides naman sa Calayan ang isinabak sa tour guiding seminar. Pagkatapos ng pagsasanay sa Tuao, tutungo naman ang grupo sa bayan ng Claveria, Cagayan para sa isa na namang pagsasanay.

Source: Cagayan Provincial Information Office

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles