19.6 C
Baguio City
Sunday, January 19, 2025
spot_img

31% sa mga Pilipino, nananatiling sumusuporta kay PBBM

Tinatayang nasa 31% o one-third sa mga Pilipino ang patuloy pa ring sumusuporta kay President Ferdinand R Marcos Jr at sa kanyang administrasyon, ayon sa pinakalatest na OCTA Research survey na inilabas nito lamang Lunes, Abril 8, 2024.

Ang nasabing survey ay bahagi sa First Quarter Tugon ng Masa Survey na isinagawa ng OCTA Research mula March 11- 14, 2024, kung saan nasa 31 percent ng mga Pilipino ang buo pa ring nakasuporta sa Pangulo at ng kanyang pamamahala habang 4 percent naman ang nakuha ng opposition.

Sa parehong survey, lumalabas naman na 20 percent sa mga Pilipino ang pumabor sa mga Duterte at sa kanilang mga ka-alyado sa pulitika habang 29 percent naman ng mga respondent ay itinuturing na independent o hindi sumusuporta sa administrasyon, sa mga Duterte at maging sa opposition. Samantala, ang natitirang porsyento ang mga hindi naman sumagot sa survey kung sino ang kanilang sinusuportahan.

Nakakuha si PBBM at ang kanyang administrasyon ng pinakamataas na suporta mula sa mga Pilipinong nakatira sa Metro Manila na may 43 percent.

Habang kabuuang nasa 32 percent naman ang nakuhang suporta ng  Pangulo sa Luzon, 38 percent naman sa Visayas at 17 percent naman sa Mindanao

Ayon naman sa socioeconomic status, nakakuha si PBBM ng halos magkaparehong porsyento mula sa Class D at E na may 32 at 30 percent, habang 27 percent naman mula sa Class A, B at C.

Ayon naman sa edad, pinakamataas na bilang ng sumusuporta kay PBBM ang edad mula sa 55-64 na nasa 39 percent, na sinundan naman ng edad 45-54 na may 35 percent. Habang ang may pinakamababa naman ay mga kabataan na may edad mula 18-24 na may 18 percent, summunod naman ang edad 75 pataas na may 2 percent.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
55SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles