Nakatanggap ang 302 indibidwal ng Financial Assistance mula sa Angeles City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa City Hall ng Angeles City nito lamang Lunes, ika-18 ng Disyembre 2023.
Pinamunuan ito ni Hon. Carmelo Lazatin Jr, Mayor ng Angeles City, ang naturang paghahatid ng tulong.
Labis ang pasasalamat ng mga residente sa ibinigay na financial assistance gaya ng medical, educational and burial assistance mula sa pamahalaan ng Angeles City.
Patuloy ang pamimigay ng Financial Assistance ang pamahalaang lokal ng Angeles City sa mga lubos na nangangailangan ng tulong sa kanilang nasasakupan.