14.4 C
Baguio City
Monday, November 25, 2024
spot_img

300 TESDA Graduates, nagmula sa Nueva Vizcaya Provincila Jail (NVPJ)

Sa pakikipag-ugnayan ng Department of Education-Alternative Learning System Program (DepEd-ALS) at TESDA-Nueva Vizcaya sa Nueva Vizcaya Provincial Jail (NVPJ) at sa Nueva Vizcaya Provincial Government ay nakapagtapos sa iba’t ibang Programa sa TESDA ang 300 na Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ang mga Programa ng TESDA na napagtapusan ng mga Persons Deprived of Liberty ay mga sumusunod gaya na lamang ng Dress Making, Beads Making, Coconut Craft Making, Contact Tracing, Organic Fertilizer Production, Soap Making, Candle Making, Basic Computer Literacy, Curtain Sewing, Hair and nail Care, at Massage Therapy.

Pinangasiwaan ni Hon. Carlos M Padilla, Provincial Governor ang aktibidad at bilang panauhing tagapagsalita.

Samantala, nagbigay din ng inspirational message si Ginang Perla Lucas, Provincial Director ng TESDA at si Dr. Marcino Raymundo ng DepEd-SDO ng Nueva Vizcaya sa mga nagtapos ng programa ng TESDA.

Ang iba naman sa mga grumaduate ay nakalaya na sa kostudiya ng Nueva Vizcaya Provincial Jail.

Source: PLGU Nueva Vizcaya.

Related Articles

Be updated in Social Media

1,700FansLike
21FollowersFollow
0FollowersFollow
612FollowersFollow
54SubscribersSubscribe
- Advertisement -spot_img

Latest Articles